Titik: Ron Evangelista
Himig: Aries Arevalo at Ron Evangelista
2008-02-27
Ang liwanag na nagpipinta sa langit?
May mga tanawing kay ganda sa buhay,
Na sa pagmulat lamang nakakamit.
Nakita mo na ba ang pagsayaw ng mga puno,
Ang mga dahong naglalaro sa saliw ng hagin?
May mga tanawing kapayapaan ang tungo,
Na sa pagtingin lamang napapansin.
Koro
Hindi man mumulat at di magmasid dahil sa dilim at kaguluhang naririnig,
Naroon parin ako sa hindi na makita at di na madama.
Nakita mo na ba ang dilim ng kalawakan sa gabi,
Ang mga talang nagniningning sa kadiliman?
May mga tanawing nakakamangha,
Na naaaninaw lamang sa pagtingala.
Tulay
Gayunmang hindi mo makita ang buhay na inialay ko,
Sana’y madama mo na pag-ibig ko’y laging naririto.
Koro
Hindi man mumulat at di magmasid dahil sa dilim at kaguluhang naririnig,
Naroon parin ako sa hindi na makita at di na madama.
Koda
Naroon parin ako sa hindi na makita at di na madama.
Isang handog para sa mga humango sa akin sa pagkabulag at tinuruan akong imulat and aking mga mata sa saya at pighati ng buhay. Gagamitin ang awit na ito sa dulang itatampok sa Semana Santa.
3 comments:
na-blog mo rin to... hehe!
i miss you.:)
pag nauhaw ang dahon anong patak ng ulan at ambon ang kailangan?
kailan sisibol?... paano?
ceaseless quest...wala lang :)
Post a Comment