Ni: Ma. Assunta Caoile - Cuyegkeng
Ang marahanang pagkain sa pisngi ng buwan,
May mga bagay na di matanto at hindi mapigilan.
At sadyang hulihin ang pagkurap ng tala,
May mga bagay na di mahuli at hindi masansalan.
Taglay mo parin ang aking pag-ibig sa iyong puso
At ating habulin ang talim ng kidlat,
May mga bagay na di mahabol, laging
Habang ninanamnam ang bawat titik ng mga taludtod, isang tao lang ang naaalala ko - si Miguel Angelo, isang kaibigan. Para sa kanya sana ito. Sayang, hindi ako ang naunang gumawa ng mga titik nito. Malapit sa puso ko ang awit; malapit sa mga naramdaman ko; malapit sa mga pangarap ko; malapit sa kwento ko. Mahiwaga ang pakikipagkaibigan namin. Hindi ko na matandaan ang kwento. Natunaw na yata sa puso at nanuot sa pagkatao ko ang lahat. Laging isang hiwaga parin kung aking babalikan.
No comments:
Post a Comment