Saturday, November 29, 2008

Sinusundo Kita

By Imago

Kay tagal kong sinusuyod
ang buong mundo
Para hanapin,
para hanapin ka
Nilibot ang distrito
ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka

Sinusundo kita,
Sinusundo...

Asahan mong mula ngayon
pag-ibig ko’y sayo
Asahan mong mula ngayon
pag-ibig ko’y sayo

Sa akin mo isabit
ang pangarap mo
Di kukulangin
ang ibibigay
Isuko ang kaba
Tuluyan kang bumitaw
Ika’y manalig
Manalig ka..

Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo’ng sundo

Asahan mo...
Asahan mo...


Ang Diyos, hindi pwedeng...
nagtatago lang sa kung saan, walang pakialam... hahanapin ka n'ya;
nakatanaw lang mula sa kawalan... pupuntahan ka n'ya;
nag-aalinlangan pang puntahan ka... lulusong s'ya para pulutin ka;
nasa kung saan lang at inaantay ka... susunduin ka pa n'ya.

No comments: