Isang taon na nanaman ng lumipas sa buhay ko. Isang taong punong-puno ng hamon, paghihirap, lungkot, pagpapakasakit, pagsasaya, pagpapakatotoo, pagpapakatao, paghahanap, pakikinig, pagiisip, pagsisilbi at pagmamahal, taon ng pinakamasasaya at pinakamalulungkot na araw ko sa hayskul, taon ng pinakamahihirap na pagsubok sa bokasyon ko ngaun, taon ng pagtanggap sa mga pagbabago sa sarili ko at sa iba, taong muntik na akong sumuko sa paghahanap, sa pakikinig at sa pagsunod sa kanya, taon ng pananatili. Isang makabuluhang taon sa buhay ko na tunay kong nalaman ang kahulugan ng pagpapakasakit at pagmamahal. Maraming nangyari at marami pang mangyayari.
Tapos na ang taong yaon. Salamat sa mga taong nakiramay, nakitawa, nakilakbay at nakidasal sa loob ng isang taon. Sa mga taong di ko malilimutan sa taong ito,
Dayzers: Salamat sa growth experiences na kasama kayo. Ngunit hindi nananatili sa Days ang lahat. Kailangan din nating maghanap ng ibang growth sa ibang bagay na patuloy na hinahangad ng puso natin. Salamat, tinuruan nyo akong tingnan ang Diyos sa mas simple at masmalinaw na paraan sa pamamagitan ng module ng DWTL.
AJ, Luis and Kate: Salamat sa mga simpleng gimmick natin at get together, sa mga kwentuhan at sharings, sa pagtitiwala ng mga bagay-bagay sa akin.
Mikky at Melvin: Salamat sa mga simpleng trip natin. Sa pagpapakatotoo, at pagiging tunay na kaibigan. Ang pagiging simple ang pundasyon ng pagkakaibigang ito. Manatili kayong ganyan.
Jesser, Rupert, Reevan at Mam Eryan: Salamat sa mga pinagsamahan natin sa trabaho. Higit pa dun, tinuruan nyo akong tingnan sa masmalawak na kahulugan ng pagiging isang lider. Tinuran nyo akong mahalin ang mga kabataan sa pamamagitan ng aking tungkulin.
Jay, Imman, Cholo at Jhed: G3, tinuruan nyo akong hindi mag-isa at tingnan ang bagay sa pananaw ng kabataan.
JM: Malayo man, malapit din! Salamat sa pagdamay, pakikinig at paghilom.
Rex at Igy: saLAMAT. Tinuruan nyo akong bumalik sa at mahalin rin ang sarili ko
Kuya Gary: Salamat sa pagiging isang kabarkada, kaibigan, kuya at ama. Tinuruan mo akong tumingin sa mga bagay na di ko pinapansin at marahil ay di gustong makita noon.
Sa Diyos: Salamat sa mga pagsubok, pasakit, tuwa, galak at sa iba’t ibang mga nangyari sa akin na kasama ka. Sa aking kahinaan, tinuruan mo akong manatili, makinig at sumunod sa iyo. Inaasahan ko pa ang mahaba nating paglalakbay na magkasama turuan mo akong magtiwala sa iyo ng walang pagaalinlangan. Salamat.
Gawin nating puno ng mas masasaya at puno ng paglago ang taon ito. Sana nandyan ka parin para sa akin, at ako sa iyo. Sana ay may bahagi ng sarili ko ang naibahagi ko sa iyo ngayong taon. Nawa ay marami pa tayong gawing alaala na magkasama. Samahan mo akong maging panatag sa mga susunod na buwan. Ipagdasal mo ang aking bokasyon. Upang maging karapat dapat ang sarili ko para sa kagustuhan ng Diyos sa buhay ko. Salamat sa iyo na naging bahagi ko.ΓΌ

2 comments:
kulang ng isa ang sc ah. :P
Malayo man, malapit din? Pinoy abroad? hehehe...
Ron, lamu namang andito lang ako palagi. Life mission ko na ata ang damayan ka, kaya nga recently hindi ko yata nagagawa yung mission ko, pasensya na. Nagkapatung-patong na utang ko sayo. Sorrrryyyy...
Post a Comment