Lord, there are many things that I do not understand about you.
So many questions that need answers.
You told me that you'll answer these things in time... In your time.
Pero nakakapagod din maghintay.
Lord, ang hirap mong sundan.
May mga times na ramdam kong malapit ka sakin at akala ko hindi ka na aalis.
Pero saglit lang akong lumingon at di ko na naman maramdaman ang kamay mo.
Bakit sa pinakamahirap at sa pinakamasakit na paraan ako kailangang sumunod?
Bakit kailangang mangyari ang mga bagay na ito sa akin?
Bakit ako pa? Marami namang iba dyan. Hindi makasalanan na tulad ko.
Maraming beses na kitang binigo, pero naririnig ko parin ang matamis mong tawag.
Bakit sa kabila ng lahat, pinili mong mahalin ako? Isang makasalanan.
When I feel afraid and lonely, I don't want to call on you anymore.
I feel unworthy because I've offended you many times. Yet you know everything.
When I feel down. Hinahanap kita, pero madalas bakit di kita makita?
When I feel tired. I tend to choose the easy instead of the right way.
Bakit mo hinahayaang mangyari ang lahat ng ito sa akin?
Hindi kita maintindihan. Minsan gusto ko nalang sumuko.
Minsan nararamdaman ko nalang na para akong laruan.
Walang buhay. Ikaw lang ang may hawak. Gusto ko rin namang maging tunay.
Sa maraming taon na lumipas, alam mo kung paano at gaano kita minahal.
Pero bakit ngayon ko tinatanong sa sarili ko, Pagmamahal nga ba iyon?
Minsan ayoko nang maniwalang tunay ka. Dahil nasasaktan ako. Andyan ka nga ba?
Lord, please. Kaylangan kita ngayon. Ikaw na makakapuno ng puso ko.
Saturday, December 03, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
aba... nakalutang nga yung youth and me ano?! Try mo to: punta ka sa settings, tapos erase mo yung title ng blog mo. Baka mawala. :P
Pasensya kung hindi naging masyadong maganda yung usapan natin nung isang araw. Nagui-guilty tuloy ako wala akong nasabi sa'yo. Pasensya na kung hindi kita matulungan. Pero andito pa rin ako para sa'yo, frend, tandaan mo yan. ^__^
Isang temptasyon ang magtanong ng kanyang presensiya. Hindi kita masisisi sapagkat may pagkakataon na ako'y nlilihis din ng landas at natatanong ko rin kung nandyan pa rin ba Siya. Ganunpaman, nalalaman ko rin sa huli na hindi Niya kailanman ako iniwan dahil nakakayanan ko ang bawat pagsubok na dumaraan. Sa mga pagkakataong 'di ko nakikita ang Kanyang mga tapak, nawawalan ako ng lakas na ipagpatuloy ang paglalakbay bagkus nalalaman ko na lang bigla na na ako'y inakay Niya sapagkat nakita Niya na ako'y pagod na. Kapatid, wag kang mawalan ng tiwala sa Kanya. Lahat tayo's mahina at ang nakakapagpalakas lang satin ay ang pagtitiwala na mayroong magandang bukas na darating para sa atin. Huwag mong hintayin kung kailan, bagkus tanggapin lang ang mga bagay na binibigay Niya. Tanggap lang nang tanggap di ba? dito lang ako...(",)
cno naman kaya c isang kaibigan. kung "tanggap ng tanggap rin lang" mahirap suriin ang dapat tanggapin sa hindi. kaya nga sa aspeto ng pagiging isang dayzer... lumago na ako. mayroon pang higit sa pagiging dayzer. maraming marami pa. tapos na ang panahon ko sa days. at proud akong sabihin na naging bahagi ng buhay ko ang workshop na yan. hindi na lamang mananatili sa pagiging kuya jess c lord para sa akin... mayroong higit pang dahilan.ΓΌ salamat.
Tatang, God is not there to be understood. after quite some time, we will see the limits of our understanding of Him. kasi kapag naintindihan na natin siya ng buo, diyos na rin tayo. Mahirap ilagay ng buo ang Diyos sa utak kasi sa puso siya nakatira.
when you feel really down, and alone and seemed to be forsaken, then you are nearest his son Jesus, kasi iyon din ang dinaanan niya. how do you think he felt on the calvary, and why do you think did he say, God, why have you forsaken me?
manggary
Post a Comment