Thursday, November 17, 2005

Growing with You


Punong-Puno
Ni: Ron Evangelista

Tulungan mo akong lumago
Lumago gaya ng isang puno
Punong payapa at mayabong
Ikaw lang ang tanging sandigan
Nang sa buhay ko ay di mabuwal

Silungan ng mga nangababasa
Takbuhan ng mga nangagugutom
Pinatibay ng pagmamahal mo
Pagmamahal na higit pa sa buhay
Kaya't patuloy kitang pasasalamatan

Nawa'y tumagal ako ng mahabang panahon
Lumalim ang mga ugat na nakatarak sa iyo
Lumago ang sanga hangad ang langit mo
Matibay at matatag na sandalan
Ikaw poon ko at tanggulan

Sa aking mga huling sandali
Inaalay ko ang aking mga kahinaan
Sa buhay kong puno ng paglago
Anuman ang magiging katapusan
Magsisilbi ako ng walang hanggan

1 comment:

JM Tuazon said...

Hi! Pa-change po ng URL! Thanks!

http://jmtuazon.renovatio.net