Sunday, August 07, 2005

Meeting the "God Of Irony" [part 2]

And I introduced him to one of the core groups of the VESSEL (G2 wahahaha!). Dami nya nakilala one of them was Ate Tin, a teacher in Makati! (sobrang magkavibes ung dalawa!) Yun, mukhang okey na sya. May kakaibang saya sakin habang nakikita ko ang taong ito na nakangiti habang nakikisalamuha sa mga taong marahil dati'y di nya naisip na makikila nya. Di ko hiningi ang pasasalamat sa taong ito. Sapat nang alam kong napasaya ko siya sa di lang panandaliang panahon. Gusto ko rin magpasalamat sa kanya. Sa mga bagay na naishare nya sakin, mga ngiti, mga luha, mga yakap at mga experiences sa aming mga pagsasama. Salamat sa pagtitiwala at sa pagmamahal.

Hanggang ngayon, nandyan ka parin. Di ako umaasang hanggang sa huli'y kasama ka. Kasi sakin sapat nang nandyan ka. Asahan mong di kita tatalikuran anu't ano pa man ang ating mga pagdadaanan.ΓΌ

Prayer: People come and go Lord. Thank you for the loyal friends that I have. Kahit marami na ang dumating at umalis. Nandyan parin nakaabang lang, nagmamatyag sa akin. Marami akong kaibigan na di ko napapansin at marahil di napapahalagahan, bigyan nyo ako ng pagkakataon upang sila'y mapansin, mapasalamatan at gugulan ng panahon upang palawigin pa ang aming pagkakaibigan. Salamat po sa kanila. Alam kong tulad nila, ikaw din, nandyan lang, nagmamatyag, nagaabang at nagmamahal. Kahit minsan di kita napapansin... nandyan ka parin tulad nila. Salamat. Amen.

3 comments:

Markus Ezekiel Caidoy said...

awwww....ang ganda nman ng post na 'toh!

Anonymous said...

kaya naman pala may advertisment sa blog ni JM! wakokoko joke lang.

si JM pala ang GoI? i always thought he was pertaining to someone else /swt i should listen more often.

and omg ron what've you done to your hair?! O_O

JM said...

Haha. Actually, partly true rin na I was pertaining to someone else. Ummm... GOD OF IRONY is a title for me and for... GOD. ^__^