Ako ang Kapitan ng aking barko
Barkong nagnanais maglayag sa kalawakan ng dagat
Handa na ang lahat, desisyon ko nalamang
Ngunit batid ko'y hindi ako makausad
Nagtataka sa aking nararamdaman
Bakit tila kahit anong pilit barko'y paandarin
Hindi makausad sa bigat ng dalahin
Nararapat pa bang barko'y pilitin?
Lumalakas na ang alon
Namataan na mayroong bagyong papaparating
Kailangan na tayong makausad barko'y baka abutan
Kapitan! bakit tila wala paring pag-usad?
Ang angkla! nakababa parin ang angkla
Maayos ang lahat, ito ang dahilan ng di pag-usad
Huwag iangat ang angkla sabi ng kapitan
Sa huli'y nasa kanya pa rin ang pagpili
Prayer: Panginoon, Ako ang kapitan ng barko. Di makausad. Nakaangkla sa nakalipas. Paano ko lalagpasan ang mga along darating? Lulubog na lamang ba na di nasisilayan ang pag-asa? Bigyan mo ako ng direksyon. Sa ngayon, di ko alam kung saan ang tungo ng aking barko- ang aking sarili. Hayaan mo piliin kong iangat ang angkla ng barko. Nang sa gayo'y makausad na nagtitiwalang ikaw ay laging nasa piling ko. Tanging kapitan ng buhay ko. Amen.
Saturday, August 06, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Sabi mo nga, ang Panginoon ang Kapitan ng Buhay mo.
Siya rin ang Kapitan ng Barko mo. Hayaan mong siya ang magmaneho.
Pero sana'y piliin mo nang iangat ang angkla. Alam naman natin na to conquer without risk is triumph with no glory. Brace yourself to take the risk of lifting the anchor, masakit, pero kung walang sakit, walang ginhawa.
Nasa likod mo ako kahit anupaman. Tutulungan kitang mag-sagwan. ^_^
...pero balewala ang pagsasagwan natin kung naka-ankla pa rin tayo. Pero kahit anupaman, magsasagwan pa rin ako para sayo.
Ron, hindi lang sila ang tao't kaibigan sa buhay mo. Marami pang iba diyan, iba na tunay na nariyan para sa iyo. Sana'y maisip mo yon. ^_^
panggulo uli. di ba ang Diyos ay naroon sa lahat ng bagay? what if lang, imagine mo...
kung ang angkla eh ang Diyos, bakit kaya ayaw niya magpaangat? meron pa kayang kailangang matutunan o may naiwang baon bago umalis?
kung siya ay iyong bagyo, ano gusto niya ipahiwatig? kailangan ang tubig pandilig, pagbigay ng buhay.
kung siya ay alon? nakapagpahilo ba siya o nagbigay ng indayog sa buhay na ordinaryo?
manggary
Post a Comment