Wednesday, December 12, 2007

Problema? Madami!

Sa Caroling Concert sa DBTI Makati nung Lunes, nagbiro ako sa isang pamilyar na pari:

Father, bakit may mga Salesians na sa unang tingin lang, parang walang problema? Ang sarap nilang tingnan. Parang ang gaan sa pakiramdam - parang ikaw!

Problema? Madami! Pero itinatapon kong lahat sa Kanya (sa Diyos.) Pero sabi n’ya, Oy, magkasama tayo dito ah.
Pinipigilang maging seryoso ang usapan, napatahimik ako, lumayong dahan-dahan at di nagpahalatang naantig ang puso; tinamaan ako.

May katotohanang nananatili sa puso ng paring ‘yon. Alam n'yang kasama n’ya ang Diyos. Ibinibigay na n’ya ang lahat araw-araw. Magaling s’ya ngunit hindi mayabang. Sa buhay-pari n'ya, alam n’yang hindi n’ya kayang wala S’ya (ang Diyos), magkasama lagi sa lahat ng problema.
Masmasarap pala ang pakiramdam na alam mong may kasama ka sa daan kaysa sa pagmasdan ang iba na tila walang problema.

2 comments:

Anonymous said...

ron,

ang lalim naman ng tagalog mo. alam mo namang hindi ako sanay sa lengguwaheng ito.

baka malunod ako. :P

pera biro, sana hindi mo makalimutan na lagi akong nandito para sa iyo. kaibigan kita e.

at hindi ko siyempre kakalimutan na andyan ka lang.

send my warmest christmas greetings to OUR batch.

god bless

Unknown said...

donnie nga pala ito. :)