Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban
Oohh… Oohh…
Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayo’y kailangan nang itapon
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon
May jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo’y nasaktan
Mula ngayon
Ala-ala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto’t naroon siya
Magpapaalam na sa ‘yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa ‘yo
Magpapaalam na sa ‘yo ang aking kwarto
Sa aking pakikinig sa “Kwarto” ng Sugarfree, isa lang ang naiisip ko – Kumpisal. Ako ang kwarto. Sa aking paglabas-pasok ay pinagamasadan pala ng Pag-ibig. Nandyan Siya, naghihintay pa rin.
No comments:
Post a Comment