Masaya ang unang pasko. Maluwalhati ang unang pasko. Higit sa lahat matensyon ang unang pasko. Si Maria, nang sabihin ng anghel na buntis s’ya hindi dahil sa isang lalaki ngunit gawa ng Espiritu Santo – Ganun? Espiritu Santo? Sinong maniniwala sa’yo? Ang labas kay Maria, disgrasyada. Kay Jose, masakit na tanggapin si Maria sa ganoon kalagayan, ikakasal na sila sa sandaling panahon – mahirap maniwala kay Maria, masakit kausapin si Maria. Magulo ang damdamin ni Jose at Maria sa unang pasko. Hindi man ipinakita sa mga kwento, marahil kung ikaw si Jose, o di kaya naman ay si Maria, anong mararamdaman mo? May ibibigat pa ba kaysa sa naramdaman nila? Ang drama sa unang pasko.
Madaming bagay na mahirap, bagamat tama. Madaming bagay na masakit, bagamat dapat. Madaming bagay na mapait, bagamat mabuti. Ito marahil ang hatid ng pasko. Isang Diyos na pinili ang hirap, sakit, at pait, dahil alam n’yang ang mga ito ang tama, dapat, at mabuti.
Nativity Picture from: http://i115.photobucket.com/albums/n292/blog_files/Nativity/NativityScene.jpg
1 comment:
Hi, could you please tell me where you obtained the Nativity picture
or who holds the copyright.
Thank you and God Bless,
Rev. Larry E. Young
San Diego, CA, USA
Post a Comment