Monday, July 30, 2007

Huwag Kang Matakot

Eraserheads

Huwag kang matakot
'Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
'Di kita pababayaan kailan man
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita

Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig
Na hawak mo sa iyong kamay
Ikaw ang Diyos at hari ng iyong mundo
Matakot sila sa 'yo

Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na magmukhang tanga
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot sa hindi mo pa makita
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Huwag kang matakot
'Di kita pababayaan kailan man


Napakaganda ng pahiwatig ng awit na ito sa aking buhay at bokasyon ngayon. Marahil, ito rin ang nais ipagbigay-alam ng Diyos sa sinumang nagnanais na sumunod sa kanya. "Huwag kang matakot, 'di kita pababayaan, nandito lang ako."

1 comment:

Anonymous said...

found your blog once again, ron!c",)
god bless you!
-jdei_cruz