Gumising kami ng maaga, mga alas quarto y media. Gumising para salubungin ang ‘Unang Hirit,’ yung TV show ng GMA tuwing umaga. Sa kasawiang palad, ‘call-off’ ang pagpunta nila.
Madaming nalungkot. Madaming nanghinayang. Madaming nagalit. Madaming nagngit-ngit. Madaming nanisi. Madaming nagsakripisyo ng maraming bagay. Iba’t-ibang dahilan. Iba’t-ibang paliwanag.
Ako, dahil sa hindi nga sila dumating, nagsimba ako sa umaga. Simbang inilipat na sa gabi dapat. Ngunit dahil nga walang dumating ay ganoon na.
Sa aking pagdadasal, naisip ko ang mga tao sa labas ng simbahan. Hindi ko alam ang nararamdaman nila. Ang alam ko lang madami nang tao. At ako, nagsisimba pa.
Hindi pa natatapos ang simba, napangiti ako habang umaawit. Naisip ko, “Ang Diyos parin pala… ang Unang Hirit ko sa bawat umaga.” Kahit na anong ‘call-off’ pa yan.
No comments:
Post a Comment