Dalawang buwan na magmula nung pumasok ako ng seminaryo.
Masaya? boring? Malungkot?
Siguro oo.
Siguro minsan.
Siguro hindi.
Pero ang buhay sa seminaryo ay walang pagkakaiba sa buhay sa labas nito.
Masaya? boring? malungkot?
Hindi ba't ganun nga din ang nangyayari sa labas.
Hindi ibig sabihin na nasa seminaryo ako'y hindi ko na kayang gawin ang nagagawa sa labas nito.
Dito nag-aaral din.
Dito nagtatrabaho din.
Dito naglalaro din.
Dito nagdarasal din.
Ano nga kaya ang mayroon dito na wala sa labas?
Ano nga ba ang mayroon sa labas na wala dito?
Siguro may mall sa labas.
Kami nagshoshopping ng ideas, knowledge, at creativity sa study hall.
Siguro may gimmickan at drinking session sa labas
May shrine naman kami para gummimick at makipagsession din sa Diyos..
Kalayaan?
Hindi nga ba kami malaya sa loob?
Paano nga ba masasabing malaya ka?
Ako, Kami, sa seminaryo, pinili namin maging seminarista dahil doon at sa pagiging ganoon namin nakikita at naisasabuhay ang kalayaan kami kalayaan, sa sarili, sa pakikitungo sa kabataang tulad namin, at malaya sa pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Karapatdapat?
Sino nga bang karapatdapat?
Ako? Kami?
Wala sa amin.
Wala sa atin.
Ang bokasyong ito ay hindi patungkol sa atin.
Ngunit tungkol sa Diyos na tumatawag sa atin.
Sa kabila ng natural at likas nating pagkakasala.
Sa kanila ng ating likas na pagiging makasalanan.
Hindi tayo kailanman magiging karapatdapat
Pero kaya nating subakan maging karapatdapat.
Handa?
Sino nga bang handa?
Wala naman amin.
Wala naman sa atin.
Pero ang alam ko lang.
Kaya nating paghandaan ang pagiging handa.
Hindi pa sikat ang araw, kami’y gising na.
Ang iba sa inyo, baka naghihilik pa.
Hinaharap naming ang bawat araw.
Nag-aaral.
Naglalaro.
Nagdarasal.
Mahirap pero masarap.
Boring, nakakamiss, at malungkot minsan.
Pero kung babalikan ko yung araw na sinagot ko ang tawag ng Diyos.
Yung araw na dama ko, nasa tabi ko talaga s’ya at naghihintay lang sa sagot ko.
Siguro wala ng saya na hihigit pa.
No comments:
Post a Comment