Saturday, June 03, 2006

saLAMAT

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko isasablog ang nararamdaman ko ngayon. Habang inaalala ang lahat ng pinakamasasaya at pinakamalulungkot, ang mga pinaka masasakit at pinakamahihirap na sitwasyong pinagdaanan natin, ang pinakalito at pinakagulong pagpiling hinarap ko, alam ko nandyan ka lang para sa akin, para sa atin.

Kapag daw nasusugatan tayo at naghilom ang sugat, mayroong markang natitira. Isang peklat. Isang natural na palatandaan ng sugat, ng sakit at ng nakaraan. At tandang-tanda natin kung kailan at sa paanong paraan tayo nasaktan at nasugatan. Pero hindi lang daw pala sugat ang nagmamarka. Pati pala ang pagsasama. Kung paano kang naging bahagi ng buhay ng isang tao. Kung paano kayo naging hugutan ng lakas ng loob sa bawat isa. Kung paanong kadamay ka n’ya sa pagkabigo at pagkasawi. Tila nagiiwan ka rin ng isang marka. Nagiiwan ka rin ng isang lamat sa puso nya. Hindi ba’t tandang-tanda mo rin at malinaw sa’yo kung paano s’yang naging bahagi ng buhay mo?

Ganyan daw ang pagpapasalamat. Sa bawat salamat ay may pagbabalik-tanaw. Sa bawat salamat ay may lamat. At alam na alam natin sa kung paano naging bahagi ng buhay natin ang taong yon. Sa bawat pakikipagkilala ay mayroon ding pagpapaalam. At ngayong aalis na ako. Sana alam mo kung gaano ka naging malalim na lamat sa puso ko. Isang lamat sa buhay ko.

Sa mga pinakamalalapit sa puso ko, mga kaibigan na tinuring kong kapatid, ang iba tinuring kong kuya at ate, minsan ang iba para ko pang magulang. Alam mo ba, inspirasyon kita. Sa kung ano ako ngayon ay kasama ka. Sa kung sino ako ngayon ay isa ka sa dahilan. Nagbalik-tanaw ako sa ating nilakbay. Habang tinatanaw ko ito, naisip kong hindi pala ganoon kapatag ang kapatagan, hindi pala ganoon kapayapa ang dagat, may mabatong parte parin pala kahit na ang pinakamalinaw na sapa, at hindi rin pala madaling akyatin ang bundok. Pero ang lahat ng ito nadaanan na natin. Nadaanan nating magkasama. Ikaw at ako. At naisip ko din na hindi pala naging ganoon kahirap, kasakit, kagulo ang lahat. Dahil nariyan ka. Dahil kasama kita.

[Habang yakap ako isa-isa ng mga kaibigan ko nang mga sandaling iyon, pilit kong tinatanong ang sarili ko sa kung paanong paraan nga ba ako naging bahagi ng buhay nila at sila sa buhay ko. Hangad kong ipagdasal n’yo ako at lahat ng seminarista na nawa’y masunod namin ang kagustuhan ng Diyos sa aming kanya kanyang bokasyon.]

Salamat sa lamat.


Kalakbay ng kabataan,

Sem. Ron Abriel A. Evangelista
Salesian Seminarian

7 comments:

Anonymous said...

I'll see you... soon...

Markus Ezekiel Caidoy said...

im always praying for you Ron-skie....

see you soon

Anonymous said...

got this from my mail:

"You are part of the puzzle of someone else's life.
You may never know where you fit, but others fill their lives with pieces of you.
So if you run out of reasons to live or be happy,
remember that someone else's life may never be complete without you in it."

on a personal note, without your piece, i will not be able to be with bosconians dahil sa personality ko. for that i tenk u.

can you imagine the picture in maculot with our united colors of benetton shirts? that is really a great puzzle with great pieces worth always going back into. imagine if that picture is translated into life intertwining :)

lastly, thanks for your blog na ginawa kong sharing area ngayon, hehehe.

till next time.

not-pha

Anonymous said...

I've been missing you Ron. I hope we could ake once again. If i have time, dont worry dadalawin kita. I'll even surprise you!Have fun and Jess bless!!!

Ron Evangelista said...

isang.kaibigan, i've been wondering kung cno ka. thanks for the prayers. ang sarap magdasal sa seminaryo!ΓΌ

Anonymous said...

It doesnt matter who i am, what matters most is that i am here for you... im always around. You're always welcome. I know that you need a lot of prayers, and I hope my prayers would simply strengthen you in your stay there. Always be happy(",) Don't worry about us because we're always fine, worry more about yourself. See you soon Ron. Jess bless!!! TC

Anonymous said...

Maraming Salamat sa lahat Ron... salamat talaga. :-)