Monday, October 29, 2007

Di Makausad

Minsan nga’y may himig na narinig.
Himig na tumatawag at nang-aakit.
Sinasambit ay ngalan kong ibig.
Ako nama’y nakinig.

Madilim at kulob.
Malamig din sa loob.
Dinig pati lagaslas ng tubig.
Sinundan parin and tinig.

Tanging dala’y sarili.
Ni anong ilaw ay wala.
Kani-kanina’y lagusay tanaw pa.
Tanaw dati’t ngayo’y hindi na.

Nasaan ako?
Nanlalamig na’t nagugutom.
Kumukulo ang tiyan
Tila mga kawayang naglalagutukan.

Natatakot sa hindi nakikita.
Nabibingi sa katahimikan.
Gaspang lang tanging dama.
Tinig ay nananaghoy pa.

Di na nga makausad.
Nanginginig sa pagnanais humakbang.
Ayoko na!
Ngunit naririnig parin kita.

No comments: