Pinhid ng pintuan, mistulang dingding,
Walang sinuma ang maaring tanggapin.
Anong pumipigil? Anong nagbabawal?Walang sinuma ang maaring tanggapin.
Sa sariling mundo'y ba't di ka lumaya?
Buksan ang 'yong mga mata kahit may luha.
Mamahalin parin kita. Tutulungang Lumaya
Ang basong may tubig lagyan mong muli.
Aapaw dahil wala nang silid.
Ang pusong may galit, di maaring umibig.
Bulag sa wasto, alipin ng isip.
Buksan ang 'yong mga mata kahit may luha.
Mamahalin parin kita. Tutulungang Lumaya.
... siguro kung kaya kong bumalik, pipiliin ko paring pumasok sa seminaryo. Doon kung saan nabuksan ang pintuang mistulang pader sa kapal at bigat. Doon kung saan pinapalaya't hinihiom ang puso. Doon na ang baso ng pag-ibig ay ang puso; bottomless! Siguro nga'y nakapiring ang mga mata ko noon, walang buhay na maaninaw. Ngunit di nangahulugang, di ko kayang piliing nakapiring at pikit-matang itaya ang pangarap at buhay ko sa pagkasalesyanong seminarista. Sinong mag-aalis ng piring? Hindi ko alam. Tanging batid ko'y nakagapos din pala ang aking mga kamay. Nakayapos sa Iyo Panginoon.
2 comments:
I admire your faith..your submission to a force greater than yourself. I see a soul who doesn't fear what is unknown.
Stand your ground. Many has lost their faith the way I did.
Na guguluhan ako...! Feeling ko kasi may calling ako ni Lord! Pero na hihirapan akong maisip na iwanan ang lahat ng saya sa mundo! Naalala ko tuloy yung rich man na pinapili ni Jesus na ibenta ang lahat tas sundan siya...
Post a Comment