Saturday, July 30, 2005

We are the Bread

Naisip kong bumili ng shirts sa Robinsons Pioneer. Sinamahan ako ni Jay kasi wala rin naman siya ginagawa. Sayang! d kami nakapanood ng Live A.I.D.S. sa UP. Ayon... pagkabili ko d na namin alam kung ano gagawin (parang ang hirap ubusin ang oras kapag malungkot ka), pumunta nalang kami ng Busko, nagkwentuhan, nalungkot, nagisip at nagdasal. Andun ang YUPPEACE, syemps andun din ang ever famous na c Enjinx and Ate OliB! meron silang meeting, buti nalang after nun merong anticipated mass. (at least meron naman nangyaring masaya sa araw ko.ü) Madalas nangyayaring para sakin ung misa. Puro patama!ü kung bala siguro yun, lasug-lasog na katawan ko.ü haaay! During the homily ang dami ko iniisip. Mga tao, mga desicions, at sarili ko ang umiikot sa utak ko. "We are the bread... we are to be shared." We are taken, blest, broken and given by christ to the world, therefore we also give life and sustains life through him. For me, ganito nga siguro ang nangyayari sakin, hinahanda tayong lahat para maishare, to be given to those in need, but before that, kailangan muna tau ibreak para maging mas madami ang matouch natin. And this is the most painful part in giving... to be broken. and still im being broken day by day kasi kulang ung ingridient nung pagiging bread ko which is so called, acceptance.

Prayer: Lord, you are the perfect example of the bread that gives life and sustains it. May you be my inspiration. That like You, I may also be the bread that gives life for the people I meet day by day... Amen.

No comments: