Wednesday, September 28, 2005

Anu pa man... kay Lord pa rin sa Huli.

Career mode na toh. Ayoko sana gamitin ang salitang "decided" sa present situation ko ngayon. Pero I believe na kung ano man ang mga nangyari, nangyayari at mangyayari. Its the will of God. In my case, believe me, pero 1 -whole sem ako bago nakapagajust sa college life. Pwedeng sabihin ng iba na mabagal ako magadapt pero yun ang totoo. Pero more than that... YUN AKO. Ngayon, yung mga pagkakamali ko dati pinipilit kong punan ng mga magagandang mga nangyaayri sa buhay ko ngayon. Natanggap ko na yung sinasabi ko sa aking 2nd entry... talaga nga palang Sanayan Lang Yan. Kung binuksan ko ang isipan ko noon pa man. Di na siguro ako nahirapan. Wala na sigurong mga nagalala. Pero ngayon... nararamdaman ko na ang bunga ng lahat ng pagkalito at mga sakit-- Pag-asa.

Alam ko sa sarili kong marami akong gusto. Di nga madalas makontento sa isang bagay. Pero hindi ganoon ang buhay. Hindi lang basta "dwell in the present" pero sana... habang we're dwelling at the present... inaalam natin kung saan nga ba ako magiging masaya.

Sa totoo lang... hindi naranasan ng isang ordinaryong teenager na nasa edad ko ang mga naranasan ko... nagpapasalamat ako kay Lord for this wonderful gift. Nais ko nang isara ang chapter ng buhay kong ito. Alam kong hindi ako naging ako sa mga nakalipas na buwan. Salamat sa mga taong dumamay sa akin. Ang mga kabataan na naging inspirasyon ko.

Nais ko ngayong ipagpatuloy ang buhay... na mayroong direksyong sinusundan. Tatapusin ko muna ang aking 4yrs sa Don Bosco Technical College sa course na B.S. Entrepreneurship. Kung sa mga panahong yaon ay naririnig ko parin ang tawag. Sa palagay ko... wala na akong ibang dahilan para tanggihan pa siya. Sa ngayon, nais kong sabihin na gusto ko muling magpakabanal.[parang corny pero totoo] Aalagaan muli ang bokasyon ko. Sa iyo na bumabasa nito. Sana tulungan mo rin ako na tulungan ang sarili ko. God bless us!

Sunday, September 11, 2005

I Seek You for I Thirst

Though many times, I run from you in shame,
I lift my hands and and call upon your name,
For underneath the shadow of your wings,
My melody is you.

Oh Lord, I seek you for I thirst,
Your mercy is the rain, on the desert of my soul,

Oh Lord, I lift my lifeless eyes,
And see your glory shine, how your kindness overflows.

Though many times, I run from you in shame,
I lift my hands and and call upon your name,
For underneath the shadow of your wings,
My melody is you.

Oh Lord, your sanctuary calls,
I yearn to be with you, in the rivers of your soul.

Though many times, I run from you in shame,
I lift my hands and and call upon your name,
For underneath the shadow of your wings,
My melody is you.


Sana nga Lord, ganito kaming nauuhaw sau. Sana nga naiisip ka namin sa tuwing bibigyan mo kami ng pagsubok... sa tuwing may darating na sakit... sa tuwing nararamdaman namin ang pagiisa. Ikaw nawa ang maging tubig ng buhay namin... ang pumapatid ng uhaw... ang pumupuno sa kakulangan... ang nagbibigay ng lakas para harapin ang susunod pang mga bukas.

Wednesday, September 07, 2005

A Hail Mary for You

In preparation for the birthday of Mama Mary, I started to pray the rosary last week until now whenever I am vacant. This is my gift and I want it to be a continuous devotion to her. And of course, I want a blow-out from her!ü blow-out naman jan! hehe! (Its between me and Mama Mary nalang...) Naisip ko... since the rosary has many "Hail Marys," I offer them all to the to the people I love (each of the beads represents a particular person...)and pray for their intentions.ü

Bukas na birthday ni Mama... Ikaw, may gift ka na ba? Ano bang gusto mong blow-out from her?ü Batiin mo naman sya sa birthday nya...

HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY.ü

"Have devotion to Mary and You will see what miracles are." - St. John Bosco